You will only be able to submit this form in a new tab.
Salamat sa inyong interes sa aming inisyatibang pang-edukasyon na pinamagatang, "Pagpapahusay ng Kaalaman sa IBD at Kaalaman sa Kalusugan sa Kamakailang Mga Imigrante na Hindi Mahusay sa Ingles sa Canada" na pinamumunuan ni Dr. Laura Targownik at ng kanyang mga katrabaho sa Mount Sinai Hospital sa Toronto, Ontario.
Ang layunin ng kasalukuyang pag-aaral sa pananaliksik ay para mangolekta ng impormasyon tungkol sa mga natatanging karanasan ng mga indibidwal na ipinanganak sa labas ng Canada, nabubuhay nang may IBD, kabilang ang Crohn's Disease o Ulcerative Colitis, at pangunahing matatas sa Arabic, Farsi, Pilipino/Tagalog, Hindi, Mandarin, Punjabi, at/o Espanyol.
Sa pakikilahok sa isang virtual focus group sa isang ligtas na online platform (Zoom), hihilingin namin sa inyo na magsalita tungkol sa inyong mga karanasan tungkol sa pagiging diagnosed na may IBD, paggawa ng mga desisyon tungkol sa mga gamot para sa inyong IBD, at tungkol sa inyong diyeta at sa inyong kalusugang pangkaisipan sa kung paano ito nauugnay sa IBD. Ire-rekord namin ang audio ng ating mga pag-uusap para magamit namin ito sa hinaharap para bumuo ng mga pang-edukasyong materyal sa Filipino (Tagalog) na gagawing available sa mga tao sa inyong komunidad. Ang mga pang-edukasyong materyal na ito ay kabilang sa nauuna sa kanilang uri.
Inaasahan naming tatagal ang focus group na ito ng humigit-kumulang na 2.5 oras. Walang kokolektahing impormasyon na personal na makakapagpakilala sa inyo. Maaari kayong tumanggi na sagutin ang anumang mga katanungan at, kung kinakailangan, umalis sa grupo anumang oras.
Isang tanda ng pasasalamat ang ibibigay sa mga nagpasyang lumahok sa inisyatibang pang-edukasyon na ito.