The Province is taking the first steps on a multi-year journey to advance a provincial Filipino cultural centre. We will continue to work with and engage local Filipino organizations and communities on a vision for this centre. A centre that is led by, supports and responds to the needs of the Filipino Canadian community in B.C. A place for community to come together in British Columbia. The Province is committed to working in consultation with communities to advance a provincial Filipino cultural centre. The Province is launching an initial engagement process that will inform a vision of a new cultural centre in B.C. that will celebrate the culture and contributions of the Filipino Canadian community. Please fill out the survey below on your thoughts and recommendations about how to best advance this work. “Our multicultural society is B.C.’s strength and the contributions of the Filipino community in B.C. are an important part of our province’s history, culture and success. Having a Filipino cultural centre where the community can connect and share their heritage has been a dream of the Filipino community in B.C. for a long time, and it’s exciting to support the work towards making this vision a reality.” - Lana Popham, Minister of Tourism, Arts, Culture and Sport.
Collection notice
Personal information collected by the Ministry of Tourism, Arts, Culture and Sport is under the authority of section 26(c) and 26(e) of the Freedom of Information and Protection of Privacy Act for the purpose of informing the provincial Filipino cultural centre. If you have any questions about the collection, use and disclosure of your personal information, please contact: provincialfilipinoculturalcentre@gov.bc.ca
Isinasagawa ng Province ang mga unang hakbang para tahakin ang ilang taong landas para maisulong ang provincial Filipino cultural centre sa B.C. Magpapatuloy kaming makipagtulungan at makipag-ugnayan kasama ang mga lokal na organisasyon ng mga Pilipino at mga komunidad tungkol sa bisyon para sa sentrong ito. Isang sentro na pinamumunuan, sinusuportahan at tumutugon sa mga pangangailangan ng komunidad ng mga Filipino Canadian sa B.C. Isang lugar para magtipon ang komunidad dito sa British Columbia.
Dedikadong makikipagtulungan ang Province sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga komunidad upang maisulong ang isang provincial Filipino cultural centre.
Naglulunsad ang Province ng inisyal na proseso ng engagement na magbibigay-alam sa bisyon para sa isang bagong cultural centre sa B.C. na ipapagdiriwang ang kultura at mga kontribusyon ng komunidad ng mga Filipino Canadian. Mangyaring sagutan ang survey sa ibaba at ibigay ang inyong mga pananaw at rekomendasyon tungkol sa kung paano dapat isulong ang gawaing ito.
“Ang ating multikultural na lipunan ang kalakasan ng B.C., at ang mga kontribusyon ng komunidad ng mga Pilipino dito sa B.C. ay isang mahalagang bahagi ng kasaysayan, kultura at tagumpay ng ating province. Matagal nang pangarap ng komunidad ng mga Pilipino sa B.C. ang magkaroon ng isang Filipino cultural centre kung saan maaaring manatiling konektado at maibahagi ng komunidad ang kanilang pamanang kultura. Nakakasabik na suportahan ang mga pagsisikap na tutulong na maging realidad ang bisyon na ito.”
– Lana Popham, Minister of Tourism, Arts, Culture and Sport.
Abiso ng Koleksiyon:
Ang personal na impormasyong kinolekta ng Ministry of Tourism, Arts, Culture and Sport ay napapasailalim ng awtoridad ng seksyon 26(c) at 26(e) ng Freedom of Information and Protection of Privacy Act para makapagbigay-alam sa provincial Filipino cultural centre. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa koleksiyon, paggamit at pagsisiwalat ng iyong personal na impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa: provincialfilipinoculturalcentre@gov.bc.ca